Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo tinaga, sinunog ng miyembro ng NPA

0 576

Brutal na pinatay ang isang sundalo nang pagtatagain at sunugin pa, habang sugatan naman ang kasamahan nito nang tambangan ng mga miyembro umano ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Motiong, Samar.

Mula sa 14th Infantry Battalion ng Philippine Army ang dalawang sundalo na hindi muna pinangalanan. Ayon kay Cpt. Reynaldo Aragones, tagapagsalita ng 8th Infantry Division, naganap ang insidente alas-siyete Lunes ng umaga. Nagmamaneho ng motorsiklo ang dalawa sa kahabaan ng Brgy. Canvais.

Dito umano sila tinambangan ng tinatayang 10 miyembro ng NPA sa pamumuno ni Segundo Sison, ng Sub-Regional Command Browser ng Eastern Visayas Regional Party Committee ng Communist Party of the Philippines-NPA.

Agad na nadakip ang isa sa mga sundalo na pinagtataga ng mga rebelde bago sinunog habang nakuha namang makatakas ng isa pa kahit tinaman ng bala sa hita. Nang dumating ang mga rumespondeng sundalo sa pinangyarihan ng pananambang, tumambad na sa kanila ang sunog na katawan ng biktima.

Tinutugis na ng mga sundalo ang mga tumakas na rebelde. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.