Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo tinodas ng lasing na kabaro

0 85

Patay ang isang miyembro ng Philippine Army matapos itong barilin sa ulo ng kapwa sundalo nang magtalo sa loob ng kampo kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Dead on the spot sanhi ng 2 bala sa ulo si T/Sgt. Joseph Cutaran, 46. Pinaghahanap naman ang suspek na si Pfc. Herbert Antonio, 31, kapwa nakatalaga sa 54th Infantry Battalion Engineering Brigade ng Philippine Army.

Sa ulat ni Police Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente alas-8:45 ng gabi sa loob ng kampo ng Philippine Army sa Barangay Lower Cabatangan.

Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Station 7, ang suspek ang naka-duty para magbantay ng water tank subalit hindi nito nagampanan dahil lasing ito.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa hinugot ng suspek ang kanyang 9mm na service firearm at dalawang ulit binaril sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.