Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo tinodas squad leader

0 134

Nahuli kamakalawa ang isang tauhan ng Philippine Army (PA) na umano’y aksidenteng napatay ang kanyang squad leader sa Barangay Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.

Kinilala ng Diadi Police Station ang suspek na si Ricson Rulloda, 32, may asawa, at isang miyembro ng PA ng Duruarog, Diadi, Nueva Vizcaya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, ayon kay Bagabag Police Station officer P/Maj. Romeo Barnachea Jr. at 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ni Judge Pablo Manuel Agustin ng RTC Branch 10, Tuguegarao City, may inirekomendang piyansa na P120,000 para sa pansamantalang kalayaan ng sundalong suspek.

Ayon sa pulisya, aksidenteng napatay ni Rulloda ang kanyang squad leader noong Pebrero 2021 sa Alcala, Cagayan.

Nakakulong ngayon ang sundalo at sinampahan ng kaukulang kaso laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.