Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalong yumari sa 7 Abu Sayyaf, may P2.5M pabuya

0 87

May P2.5 milyong pabuya ang mga sundalong kabilang sa tumugis sa pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Sulare Island, Parang, Sulu noong Nobyembre 3.

Personal na ibinigay ni Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang reward kina Brig. Gen Manuel Sequitin, assistant commander ng 11th Infantry Division, at Col. Giovanni Franza, assistant division commander sa retirees and reservist affairs.

Sa ulat, sinabi ni Sobejana na mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang cash reward bilang pagpapahalaga nito sa matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakapatay sa pitong high-profile na rebelde.

Batay umano sa informant, ang mga napatay na bandido ay sina Mannul Sawadjaan Wahid; Madzmar Sawadjaan; Dave Sawadjaan; Alsimar Sawadjaan; Ajang Sangbas; Kamide Alih, at isang Muks. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.