Abante Tonite Interactive

Sunday Trivia: Bahay ampunan sa isla

47

Ang Isla de la Conva­le­cencis ay isang maliit na isla sa Pasig River. Dito matatagpuan ang Hospicio de San Jose.
***
Ang Hospicio de San Jose ang unang bahay ampunan na itinatag sa Pilipinas. Ipinatayo ito noong panahon ng mga Kastil­a ni Don Francisco Gomez Enriquez at ng kanyang maybahay na si Doña Barbara Verzosa.
***
Ang Binondo sa lungsod ng Maynila ay ipinatayo ng Spanish governor general na si Luis Pere­z Dasmariñas upang ma­ging permanenteng tira­han ng mga Chinese immigrants sa Pilipinas.
***
Isa ang Escolta sa lungsod ng Maynila sa pinakamatandang kalye sa Pilipinas. Naging sentro ito ng komersyo noong panahon ng mga Kastila.
***
Ang Burke Building na matatagpuan sa Escolta ay ipinatayo noong 1739. Ipinangalan ito sa pilantropong si William J. Burke. Ito ang kauna-unahang gusali sa Pilipinas na may elevator.
***
Ang First United Building na kilala rin sa tawag na Perez-Samanillo Building ay matatagpuan sa Escolta. Ang gumawa ng disenyo nito ay si Andres Luna de San Pedro, anak ni Juan Luna. Itinu­ring ito na pinakamataas na gusali sa lungsod ng Maynila matapos ipatayo noong 1928.
***
Ang Quezon Memoria­l Shrine sa Quezon City ay dinisenyo ni Federico Ilustre at ipinatayo noong 1950s.
***
Si Federicol Ilustre ay isang arkitekto na nagtrabaho sa Bureau of Public Works na ngayon ay Department of Public Works and Highways na. Nagtapos siya sa Mapua Institute of Technology.