Abante Tonite Interactive

Sung Hoon inuulan ng kontrobersya

By
0 316

tonite-annyeong-rose-garciaAng leader ng 90’s hit boy group na SECHSKIES na si Kang Sung Hoon ay nag-post ng kanyang emotional message para sa kanyang mga tagahanga. Ilang buwan simula nang lumabas ang sunod-sunod na isyu at kritisismo laban kay Sung Hoon.

Ilan sa mga binato sa kanyang isyu at kritisismo ay ang cancellation ng kanyang solo fan meeting­ sa Taiwan, may bintang pa na diumano’y ang mo­derator ng kanyang fan club na Hoony World ay hindi nagagamit sa dapat paggamitan ang mga fan donation at may isyu pang diumano’y may romantic involvement ang singer sa mismong moderator na kinukuwestiyon.

Kamakailan lang din, naisyu si Sung Hoon ng trespassing at assault case sa pagitan ng kanyang stylist at former manager, although parehong hindi nagbigay ng pahayag ang pulis at ang YG Entertainment kung totoong pre­sent nga ba siya during the incident.

Sa kabila ng lahat, nag-post ang singer nitong November 4 sa kanyang Instagram ng isang emotional message nga sa kanyang mga fan.

“Sorry” at “Thank You” ang naging paulit-ulit niyang mensahe.

Ayon kay Sung Hoon, “I was grateful that you liked me even though I am lac­king in so many ways.

“I sincerely wanted to tell you this no matter what… Though I know it’s late… Although I don’t know if I will be able to ever let go of these feelings of love… I wanted to say I’m sorry to you. And to those of you who still believe in me, to whom I am grateful… All I can say is I’m sorry… I’m sorry… and I’m sosarry… And I’m grateful…

“All that I had left was you… I’m sure the truth will come out… Heavenly Father, please be with this inadequate son.”

Sa mga hindi nakakaalam, ang Sechkies ang isa sa pinakasikat na boy group noong mag-debut sila ng 1997. At si Sung Hoon ay kinikilala talaga bilang pinakamahusay na singer sa grupo, no wonder, he’s the leader of the group.

‘Yun nga lang, nadisban­ded ang grupo noong taong 2000 at si Sung Hoon naman ay naging successful as a solo artist, though, may mga nagiging controversy na rin.

It was only 2016 when YG Entertainment reunited them again after 16 years at evident ang success ng mga fan meetings at pagta-top sa charts nang comeback album nila kung gaano pa rin sila kasikat sa mga k-pop fans.

Hindi naman mapigilan ng ilang K-pop fan na mag-worry for Sung Hoon after nitong mag-post ng kanyang personal message sa IG. Thinking of the worse that could have happen dahil na rin sa depression at ilang suicide incidents in the past ng mga Korean stars.

Sabi sa isang comment, “Not that I want to think the worst, but someone needs to be with him right now. From his message .. I don’t think he should be left alone.”

Isa pang komento ng netizen na lumabas sa soompi.com, “He clearly needs professional mental health care. Hopefully he gets it.”