Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunod kay Liza: Enrique ‘lilipat’ kay James

0 234

NI: VINIA VIVAR

Ngayong ang team na ni James Reid ang magma-manage sa career ni Liza Soberano, marami ang nagtatanong kung paano na raw ang boyfriend at ka-loveteam ng aktres na si Enrique Gil.

Tanong din ng bayan, magpapa-manage na rin daw ba si Quen kay James?

Ayon sa dating manager ni Liza na si Ogie Diaz, may kontrata pa si Quen sa Star Magic. Pero kung magre-renew ito or hindi na once na nag-expire ang contract, ‘yun daw ang hindi niya masasabi.Hindi pa masasagot kung lilipat din siya sa kuwadra ni James.

“’Yun ang hindi pa natin alam. Kung magre-renew sa Star Magic or mag-iiba ng management outside ABS-CBN,” ani Ogie sa latest vlog.

SM food to go Banner Ad

At sa mga nagtatanong kung ano raw ang nalalaman ni James sa pagma-manage gayung sarili nga niya ay hindi niya ma-manage, ayon kay Ogie ay hindi naman solo lang ng aktor ang pagma-manage kay Liza.

“Hindi natin dapat kinukuwestiyon si James Reid kung gaano siya kahusay mag-manage. Unang-una, grupo sila na magma-manage kay Liza. Hindi lang si James Reid. Signatory lang si James Reid sa bawat kontratang papasukan ni Liza,” paglilinaw ni Ogie.

Idinagdag din ng manager/vlogger na si Liza lang siyempre ang makakasagot kung bakit si James.

“Si Liza ang higit na nakakaalam. At ang alam ko, malalim ang kanilang friendship. ‘Yung JaDine, friends talaga sila ni Liza,” sey niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.