Abante Tonite Interactive

Sunod na Speaker legislative agenda ni Duterte ang dapat iabante

286

Dapat pangunahan ng susunod na Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsuporta sa lahat ng mga panukalang batas na itinataguyod ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na sa pamamagitan nito ay makasisiguro na magiging matagumpay ang natitirang tatlong taon ng admi­nistrasyong Duterte sa pagpupursige ng mga programa at proyekto na magsusulong sa kabutihan at kapakanan ng mga Pinoy.

“Leadership is important, but it’s equally important that the next speaker is free from political ambition to ensure that all the priority legislation of the Pre­sident is successful,” pahayag ni Velasco.

Ilan sa mahahalagang panukala aniya na isinusulong ng gobyerno ay natengga lamang at hindi umusad sa Senado.­(Aries Cano)