Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sa Bacoor, inumaga

0 190

NASUNOG ang isang malaking bakanteng lote sa Molino Boulevard, Barangay Niog III sa Bacoor, Cavite.

Nangyari ito ng Biyernes ng gabi at tumagal ng hanggang kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Kapitan Alfie Gawaran, chairman ng kalapit na Barangay Bayanan, hindi pa malaman kung saan at paano nagsimula ang apoy. Maswerteng walang anumang istruktura sa lugar.

Pero nangamba naman ang mga residente na baka umabot sa kanila ang apoy kaya tumawag sila ng mga bumbero dahil malapit din ito sa isang mall.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Gawaran, na mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa tuyot na ang mga damo at mainit ang panahon.

Umakyat naman sa unang alarma ang sunog dahil na rin sa lawak ng nasunog na lote.

Mag-aalas-dos na ng umaga nang maapula ang apoy.

Sinabi naman ni Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office na walang nasaktan sa sunog at hindi na umabot sa mga kabahayan. Inaalam na kung ano ang pinagmulan nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.