Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sa Binondo, 1 nadale

0 193

Isa katao ang nasugatan sa naganap na sunog sa isang 4-storey commercial building kahapon sa Juan Luna St., Binondo , Maynila.

Sa nakalap na report ng Bureau of Fire Protection- National Capital Region (BFP-NCR), kinilala ang biktimang si Archie Roja, 22.

Nagsimulang kumalat ang apoy sa mezzanine ng Solfisco Trading na sinasabing pag-aari ng isang Cai Teng kung saan umuukopa si Felino Sy. Umabot lamang sa unang alarma ang sunog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa P50K halaga naman ang napinsalang ari-arian.

Masusi pang inaalam ang pinagmulan ng sunog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.