Abante Tonite Interactive

Sunog sa Gapo, 3 patay

284

Patay ang tatlo katao habang isa ang nasugatan sa naganap na sunog sa dalawang magkahiwalay na lugar sa lungsod ng Olongapo kahapon.

Unang sumiklab ang sunog sa bahay ng dala­wang nasawing biktima na sina JM Aquino, 10-anyos at Yvette Bucad, 14, alas-dose ng hatinggabi sa Abra St., Brgy. Baretto ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, posibleng mahimbing na natutulog ang dalawang kabataan kaya hindi agad nakalabas sa nasunog nilang bahay.

Nasawi rin ang 22-anyos na si Jonel Fernandez habang sugatan naman ang isang nag­ngangalang Wilma sa isa pang sunog na naganap alas-tres ng madaling-araw sa Fendler Street sa naturang lungsod.

Bagama’t mabilis na naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) Olongapo ang dalawang insidente ng sunog, sa kabuuan ay tatlo katao ang iniwang casualty.

Patuloy pa ang imbes­tigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog. (Jojo Perez)