Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sa Intramuros inabot ng 3rd alarm

0 176

Sumiklab ang sunog sa commercial establishment sa Victoria Street sa Intramuros, Manila nitong Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, ini-report ang sunog alas-4:41 ng hapon.

Makalipas lamang ang sampung minuto ay umakyat ito sa ikatlong alarma.

Idineklarang under control ang sunog alas-5:51 ng hapon.

Iniimbestigahan pa ang pinagmulan nito at halaga ng pinsala. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.