Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sa Las Pinas: Sabungan, palengke damay

0 197

Umabot sa Task Force Alpha ang naganap na sunog at nilamon ang ilang kabahayan, palengke at sabungan sa Las Piñas City, Sabado.

Sumiklab ang apoy alas-11:34 Sabado ng tanghali sa isang bahay sa residential area sa Basa Dos Compound sa Barangay Zapote, Las Piñas City hanggang sa kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang ilang kabahayan at nahagip din ang kalapit na palengke.

Umaabot naman sa 16 fire trucks ang agad na rumesponde ngunit nahirapang apulahin ang apoy dahil sa maliliit na kalsada kung saan pumanhik pa sa mga bubungan ang ilang bumbero.

Ika-12:30 ng tanghali nang ideklarang fire under control. Wala namang nasawi.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at danyos. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.