Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sa Malabon; pabrika, vet shop muntik maabo

0 44

Muntik nang maging abo ang nakasaradong pagawaan ng mga mamahaling appliances, vet shop at paupahang bahay matapos sumiklab ang likurang bahagi nito at masuwerteng umabot lamang sa 1st alarm ang sunog, Biyernes ng madaling araw sa Malabon City.

Sa ulat na natanggap ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, walang nasaktan o nasawi sa naturang insidente kung saan umabot sa tinatayang P200,000.00 halaga ng ari-arian ang napinsala, batay sa pagsisiyasat ni FO3 Paul Michael Malate ng Malabon Fire Department.

Bandang 11:30 ng gabi nang makarinig ng sunod-sunod na putok sa loob ng saradong commercial establishment na pag-aari ng isang Manilyn Flamiano sa Gen. Luna St. Brgy. Baritan na sinundan ng pagsiklab ng apoy kaya’t agad rumesponde ang dalawang trak ng Bureau of Fire Protection at 23 volunteer fire trucks.

Idineklarang under control ang sunog bandang ika-12:10 ng hatinggabi at tuluyang naapula ang apoy bandang alas-12:30 Biyernes ng madaling araw. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.