Sunog sa pagdiriwang ng Bagong Taon bumaba

Bumaba ang bilang ng mga naganap na sunog sa pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sabi ni BFP spokesperson Supt. Annalee Carbajal-Atienza, 29 sunog lang ngayong taon ang naitala nila sa New Year’s Eve celebration.

Nai-record iyon mula 12:00 ng hatinggabi ng Disyembre 31, 2020 hanggang 6:00 ng umaga ng January 1, 2021.
Mas mababa aniya ito kumpara sa 144 na insidente ng sunog sa kaparehong period noong nakaraang taon. (IS)