Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sa Pandacan, 2 nadale

0 180

Dalawa katao ang nasu­gatan habang limang bahay ang natupok sa naganap na sunog sa isang residential house kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang su­nog sa ikalawang palapag ng 3-storey na bahay ng mag-asawang Angelito at Ethel Castro, sa may 2711 Int. 4 Jesus Ext., Pandacan, Manila City.

Nagsimula ang sunog alas-6:43 ng umaga na um­abot sa ikalawang alarma at idineklarang fireout alas- 7:30 ng umaga.

Dalawang lalaki na­man na hindi pinangala­nan ang nasugatan dahil sa paglilikas ng kanilang gamit.

Tinatayang aabot sa 15 pamilya ang nawalan ng bahay.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Arson Di­vision ang naganap na sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.