Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sa Paranaque, paslit natusta

0 46

Patay ang isang 2-anyos na bata matapos itong makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Parañaque City noong Sabado.

Ayon sa ulat ni Senior Fire Officer 1 Gennie Hiidem ng Parañaque Bureau of Fire Protection (BFP), mag-isang natutulog ang batang lalaki sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa No. 4035 Culdesac Rotonda, Bgy. Sun Valley nang sumiklab ang sunog alas-3:46 ng hapon.

Nailigtas naman ng lolo ng biktima ang dalawa pang kapatid ng huli na kasama nito sa ibaba ng kanilang bahay.

Related Posts

Sunod sana umanong isasalba ng matanda ang bunsong apo pero nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay.

Parehong wala sa bahay ang mga magulang nga mga bata dahil nagtatrabaho umano ang ama ng mga ito habang nagpa-follow up umano ang kanilang ina sa inaaplayan nito sa isang employment agency.

Nasa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos madamay sa sunog ang 13 pang kabahayan. Umabot lang sa first alarm ang sunog na idineklarang fire-out ng alas 5:03 ng hapon. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.