Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sa Quiapo, 2 bumbero nadale

0 133

Nasugatan ang dalawang bumbero sa pagresponde sa naganap na sunog sa isang residential area sa Quiapo, Maynila, gabi ng Sabado.

Kinilala ang nasugatang fire volunteer na sina SFO1 Bernard Duyan, ng Paco Fire Station at Ryu Onaro, Ronda fire volunteer, na kapwa nagtamo ng sugat sa kanilang mga kamay.

Base sa report ng Manila Bureau Fire Protection, nagsimulang kumalat ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ng isa umanong Honeylyn at Freddie Ay-ay sa Pasaje del Carmen, Quiapo, Maynila.

Umaabot sa P100 libong ari-arian ang natupok.

Masusi pang inaalam ang ugat ng sunog na umabot lamang sa ikalawang alarma.

Leave A Reply

Your email address will not be published.