Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sa Sta. Mesa umabot sa ika-4 alarma

0 324

Natupok ang isang residential area na may 300 kabahayan matapos sumiklab ang isang sunog kahapon ng hapon sa may Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, alas-3:24 ng hapon nang ideklara ang unang alarma na umabot sa ikaapat na alarma alas-3:46 ng hapon sa may Road 12 corner Anonas St. Sta. Mesa, Maynila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na maraming bumbero ang hindi nakapasok sa lugar dahil sa makitid na daanan.

Ang nabanggit na lugar ay malapit lamang sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) College of Education.

Habang sinusulat ito ay patuloy pang inaapula ang apoy. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.