Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunog sumiklab sa QC condo

0 85

Nabulabog ang mga residente sa isang tower sa Quezon City nang sumiklab ang sunog nitong Lunes ng hapon.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-National Capital Region (NCR), nagsimula ang sunog sa unit 1703 ng La Breza Tower sa Mother Ignacia, Barangay South Triangle, QC, na pag-aari ng Sta Lucia Land. Alas-2:24 ng hapon nang itaas ang unang alarma at iniakyat sa ikalawang alarma alas-2:35 ng hapon.

Agad naman itong naideklarang fire under control alas-3:12 ng hapon hanggang sa tuluyang maapula ang apoy ng alas-3:28 ng hapon.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan sa sunog.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

Hanggang sa isinusulat ito ay hindi pa pinapayagan makabalik sa loob ng condo ang mga residente. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.