Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suns, Heat rambol kay Durant

0 93

Nasa kontensiyon pa ang Phoenix Suns para masakote si Kevin Durant.

Pero ayon sa ulat ng New York Post nitong Lunes, ‘di minamadali ng Brooklyn Nets ang ang paghahanap ng trade partner para sa 12-time National Basketball Association All-Star.

May apat na taon pa si Durant sa kanyang $198M contract sa Nets.

Base sa report, naghahanap si Brooklyn general manager Sean Marks ng batang All-Star din ang kalibre at ilang draft picks.

Sa hiwalay na ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, nakikipag-usap din ang Nets sa Suns at Miami Heat matapos pumutok ang balitang nag-request ng trade si KD sa Brooklyn.

“Two of the teams that Kevin Durant would like to play with, the Phoenix Suns, the Miami Heat, they have both been in pretty consistent contact, I’m told,” ani Woj sa SportsCenter. (Vladi

Leave A Reply

Your email address will not be published.