Abante Tonite Interactive

Suns nagdilim kay Davis

172

Nangbarako si Anthony Davis ng 24 points at 12 rebounds, may 23 markers si Kyle Kuzma at pinalubog ng Los ­Angeles Lakers ang Phoenix Suns 123-115 Martes nang gabi sa 74th NBA ­2019-2020 regular game.

Nilista ng Lakers (8-2) ang best 10-game start sapul noong 2010 at bumawi mula sa home loss sa Toronto nitong Linggo.

Tumapos si LeBron James ng 19 points, 7 rebounds at 11 assists.
Naiiwan sa umpisa ng fourth quarter ang Phoenix pero lumamang 113-111 sa fastbreak layup ni Devin Booker 3:29 pa.

Sumagot ang ­Lakers ng tatlong sunod na 3-pointers – isa kay James at dalawa kay Kuzma – tungo sa 120-113 lead na kinapitan na hanggang dulo.

Dinomina ng LA ang paint sa kinolektang 70 points. Off the bench ay nagsumite si Dwight Howard ng 12 points at 9 rebounds.

Binitbit ng tig-21 nina Ricky Rubio at Booker ang Suns. May 20 si Aron Baynes at 18 kay Dario Saric.

Nagsalansan si Davis ng 14 points para itulak ang Lakers sa 60-58 lead sa halftime. May 9 points at 8 assists sa first 24 minutes si LeBron.

Sa unang pagkaka­taon ngayong season ay lumaro si Rajon Rondo (right calf strain) pero nilimitahan ni ­Lakers coach Frank Vogel ang minuto ng veteran guard sa 15. Nagsumite si Rondo ng 5 points, 6 rebounds at 7 assists.
Uuwi ang Lakers para i-host ang Golden State Warriors ngayon. (VE)