Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunshine ayaw ng giyera kay Ivana

0 1,187

NI: ROLDAN CASTRO

Nakatsikahan namin si Sunshine Guimary sa virtual presscon ng sexy comedy film niyang ‘KaKa’.

Tinanong namin kung ano ang reaksyon niya na madalas siyang ikumpara kay Ivana Alawi. Ano ang puwede niyang gawin na hindi kayang gawin ni Ivana para matalbugan niya?

Buong ningning niyang sinabi na ayaw niya ng competition. Basta gagawin lang daw niya ang best niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero happy siya na kinukumpara kay Ivana dahil ibang level daw si Alawi.

Si Sunshine ang pinakabagong Viva talent. Kilala siya bilang vlogger at tinaguriang “Braless Goddess” dahil sa pagmomodelo ng mga microkinis and lingerie sa kanyang YouTube at Instagram. Inamin niyang nandoon ang kaba sa paggawa ng bed scenes, pero buong loob niya pa ring ginawa ito.

Kasama niya sa movie sina Ion Perez, Jerald Napoles, Gina Pareño, Rosanna Roces, Maui Taylor , Jackie Gonzaga, Debbie Garcia at Juliana Parizcova Segovia. Ito ay sa direksyon ni GB Sampedro.

Sa May 28, 2021, BubuKAKA na! Hayaan si “KAKA” na mas lalong painitin ang summer. Panoorin ang premiere nito sa Vivamax!

Leave A Reply

Your email address will not be published.