Abante Tonite Interactive

Sunshine, hinay-hinay sa pagbanggit kay Cesar

93

BIRTHDAY noong Lunes ni Sunshine Cruz.

Binati ba siya ng estranged husband niyang si Cesar Montano?

Dedma si Sunshine sa tanong ko, kaya kahapon, “sinumbatan” ko siya sa pagiging dedma niya.

Nagpaliwanag si Sunshine na hindi niya nabasa ang text message ko asking if binati ba siya ni Cesar noong birthday niya.

Sabi pa ni Sunshine, ayaw niyang masyadong pag-usapan si Cesar dahil mahirap na, baka may mga taong close sa tatay ng kanyang mga anak na mag-react na naman.

Baka mapagsabihan siyang user-friendly na tunay!

Basta, masaya siya ngayon at masaya siya na maraming mga kaibigan na bumati sa kanya noong birthday niya.