Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunshine imbyerna sa bintang na ‘kinaliwa’ si Cesar

0 2,923

Hindi namin masisi si Sunshine Cruz kung naimbiyerna siya sa isang netizen na nagkomento nang hindi maganda sa kanyang Facebook page sa pagsisimula pa naman ng taon. Bastos ang basher at nakakapikon naman talaga.

Nag-post si Shine ng mga larawan ng celebration nila ng New Year’s Eve. Makikita sa mga photo na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya including her 3 daughters and current boyfriend, Macky Mathay.

Isang walang magawang netizen (or pwede ring troll) ang nag-comment at pinagbintangan si Shine na kinaliwa ang ex-husband na si Cesar Montano. Tinawag pa niyang kalbo si Macky at may bastos pang hirit.

“Kaya pala nag hiwalay kau ni Cesar Montano dahil pala nyan ni kalbo dako man gud guro na bunal,” ang komento ng basher.

Kaya naman nakatikim siya ng talak mula sa aktres.

“I share my photos hindi para bastusin mo lang. 3 taon na kaming hiwalay ni Cesar ng makilala ko si Macky. Opo kalbo sya pero palagay ko mas edukado at gwapo sya sayo. Happy New Year! 2021 na. Magbago ka na!”

Bukod dito ay nag-iwan din ng mensahe si Shine sa kanyang mga followers.

Happy New Year guys! I share my photos pampa good vibes. If you find my posts offensive you can unfollow or just ignore it. 2021 na po. Let’s try to be better people. Artista po ako pero hindi po ibig sabihin may karapatan ang iba na bastusin ako o kami dahil wala naman po akong ginagawang masama sa kapwa ko,” pahayag ni Sunshine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.