Abante Tonite Interactive

Sunshine ipamimigay ang ‘lalaki’ sa anak

By
1,815

Magsisimula ngayong araw na ito, July 16, ang bagong serye ng Kapuso. Kakaiba ang kuwento nito dahil mismong mag-ina ang magkaribal sa ‘Kapag Nahati ang Puso’.

Pinagbibidahan ito nina Sunshine Cruz, Bea Binene, Zoren Legazpi, Bing Loyzaga, Benjamin Alvez at David Licauco.

Kabilang sa mga cast ay sina Raquel Villavicencio, Robert Ortega, Sharmaine Santiago, Geleen Eugenio, Nar Cabico at special guest si Freddie Webb.

Paano kung mangyari sa totoong buhay na karibal niya ang kanyang anak sa isang lalaki?

“My God! Hindi pang-role lang talaga ‘yun, character lang ‘yun. Hindi naman mangyayari,” reaction niya.

“Ibibigay ko sa kanila, di ba? Kaligayahan nila ‘yun.Magpaparaya ako pero hindi naman mangyayari ‘yun,” lahad pa niya.

Ang ‘Kapag Nahati ang Puso’ ay sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada, Jr. Masasaksihan ang isang nakakaintriga na istorya ng mapait na pagtatalo at komplikadong mga lihim sa ‘Kapag Nahati Ang Puso’.

Matutunghayan ito mula Lunes hanggang Biyernes sa morning block ng GMA-7 bago ang ‘Eat Bulaga’.

Kristoffer binakbakan sa ‘sakitang’ Barbie-Paul

Nagalit ang mga fan lalo na ang mga tagahanga­ ni Barbie Imperial. Bagama’t walang binabanggit si Kristoffer sa kanyang tweet may mga humuhula na si Barbie umano ang pinatutung­kulan.

May kinalaman sa ‘sakitang’ nangyari umano sa mag-ex dyowa na Paul Salas at Barbie. Tila kumakampi siya kay Paul.

 @flinsTUNs, “Wag dumating sa point na maninira ka ng buhay ng tao. Kung totoo man o hindi yung nangyari, problema niyo yan. Di kailangan ipaalam sa buong mundo para kumuha ng sympathy.”

“There’s always two sides of the story. Mga naapektuhan wag pavictim.”

Nu’ng balikan namin ang Twitter account ni Kristoffer ay dinelete na niya ang mga ito.

Ang mababasa na lang ay “The past is behind us. Good morning everyone. Positive vibes na.”

Talbog!

Debbie Garcia seksing protektor ni Barbie

Isa si Debbie ‘Debz’ Garcia sa itinuturing na protektor ni Barbie Imperial pagkatapos ng ‘bugbog’ issue niya.

May post si Barbie na group photo na nandoon sina Julia Barretto,Marco Gumabao, Patrick Sugui, Josef Elizalde at Debs. Ang caption niya ay ‘Protectors’.

Mapangahas si ‘Debs’ sa kanyang Instagram account dahil palaban din ito sa pagsusuot ng two piece. Isa siyang Viva artist, TV commercial model at napanood na sa pelikulang ‘Girlfriend for Hire’, ‘Ning­ning,’ Maalaala Mo Kaya at ‘Ipaglaban Mo’.

Naging kontrober­siyal si Debs noong 2015 dahil naugnay siya kay James Reid. May kuma­lat noon na dalawang Instagram videos na ikinainis ng mga JaDine fan dahil parang nagpapa-cute ito. Tinatawag siya ng kasama niya sa video ng pangalang ‘Debbie Reid.’ Pero nilinaw rin niya na magkaibigan lang sila ni James.