Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunshine, Kris, Claudine galit sa ex

0 174

ROMMEL PLACENTE:Nag-post si Kris Aquino ng series ng boquet of flowers sa kanyang Instagram account.

Pero hindi niya binanggit kanino galing ang mga ito.

May mga netizen na naghuhula na sinasabing galing ito kay Sen.Bong Go.Na ayon naman sa isang netizen,hindi raw bagay ang nasabing senador sa Queen of All Media.Hindi raw dapat makarelasyon ng isang tulad ni Kris na isang intellectual.Nang mabasa ni Kris ang comment na yun ay ipinagtanggol niya si Sen.Go.Ilang beses na raw niya itong naka-encounter at masasabi niya raw na hardworking,humble,loyal at efficient.At kung gusto raw siyang maka-date nito,alam daw nito paano siya mari-reach.Pero huwag lang daw gawing chaperone ang tatay ni Josh ( Phillip Salvador).

Mukhang galit pa rin si Kris sa dating action star kaya niya nasabi ito.

MILDRED BACUD: Sa mga dating nagkarelasyon hindi naging maganda ang kinahinatnan nina Kris at Phillip kahit pa may anak sila, ha. Di ba marami namang mga artista ang nagkahiwalay but they remain friends tulad na lang nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren.

Isa pang dating mag- asawa na nanatiling magkaaway ay sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Kahit pa may mga anak sila ha. Halos thirteen years din sila nagsama. Pero pag-amin no’n ng aktres mas marami silang pag-aaway kesa sa hindi. Hindi raw niya makakalimutan ng sabihan siya ni Cesar na “Dating bold star ka lang.”

Kung maraming masasakit na salitang nabitawan kahit may kanya kanya ng buhay ngayun sina Sunshine at Cesar, mananatili talaga silang magkaaway.

Hay, malalim pa rin ang mga sugat sa pagitan nila pero naka-move on naman na ang aktres at happy sa nobyong si Macky Mathay

RODELFERNANDO: Baka nga hanggang ngayon ay may kinikimkim pa ring sama ng loob si Kris kay Phillip dahil nga sa mga nangyari sa kanila in the past. Siguro nga ay hindi pa rin makalimutan ng Queen of Talk na ‘mag-isa’ siyang nagtaguyod at nagpalaki sa kanilang anak.

Pero sana kung mayroon pang pakiramdam na ganoon si Tetay ay dapat na niya itong kalimutan.

Kagaya rin ni Claudine Barretto may panggagalaiti pa rin sa tuwing nababanggit sa kanya ang pangalan ni Raymart Santiago. Hindi kasi naging maganda ang paghihiwalay nila ng asawa pa rin niyang maituturing. Umaaray pa rin ang aktres lalo na sa usaping sustento sa mga anak.

ROLDAN CASTRO: Di ba sina Janice de Belen at John Estrada ay hindi pa rin okey?

Pero ang maganda sa mga anak ni John , nandoon pa rin ang respeto at pagmamahal nila sa kanilang ama.

Hindi rin magkabati sina Kris Aquino at ang kanyang dating mister na si James Yap kahit meron silang isang anak.

Ganoon talaga sa showbiz, marami pa ring dating mag-asawa na hindi pa rin nagkakasundo kahit matagal nang magkahiwalay.

Kahit sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion galit-bati pa rin ang drama kaya hanggang ngayon di matuloy-tuloy ang reunion movie nila.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.