Abante Tonite Interactive

Sunshine lagare sa halikan kina Kiko, Martin

By
4,608

Nalilinya ngayon sa cougar roles ang hot momma na si Sunshine Cruz.

Pag-aagawan nila ni Bea Binene si Benjamin Alves sa bagong Kapuso drama na ‘Kapag Nahati ang Puso’ at mag-ina ang role nila ni Bea.

Ang 29-anyos na si Benjamin ay aminadong naha-hot-an sa 40-anyos na si Sunshine, kaya sabi ni Ben ay hindi mahirap magkaroon ng sexual chemistry sa kanilang dalawa.

Abante Hiring – IT dep

Ang sabi ng bagong lipat sa Kapuso network na si Sunshine, flattered siya dahil ang ganda ng katawan at ang guwapo ni Benjamin at saka bagets ito.

Wala raw silang problema dahil professional sila at ang daling katrabaho ng mga co-star niya sa ‘Kapag Nahati ang Puso’.

Sey pa ni Shine, anim ang pandesal ni Ben, kaya sa screen test pa lang nila ay sinabi na niya rito na, “‘Yung abs mo pa lang, pasok ka! Ikaw na!”

Aminado ang tisay na aktres na bet niya ang may abs dahil siya mismo, binubuhay niya ang parteng ‘yon ng tiyan niya. She’s into fitness kaya sexy para sa kanya ‘yung guy na pinapaganda ang katawan at inaalagaan ang itsura.

Bukod sa nasabing serye ay meron pang movie si Sunshine na ‘My Stepmo­ther’s Lover’ kung saan dalawang bagets ang ka­tambal niya.

Ang dami niya raw intimate scenes with Kiko Estrada and Martin del Rosario. Minsan ay back-to-back pa ang kissing scenes niya, from Kiko ay lilipat siya kay Martin.

Dayalog ng sexy pa ring aktres, “Trabaho is trabaho for me and to be directed by Adolf Alix, it’s an honor, ‘di ba? Kaya kung anong ipagawa niya, wala namang personalan. Trabaho lang at para sa ikagaganda ng movie.”

Hindi raw akalain ni Sunshine na sa edad niyang 40-anyos, na meron na siyang tatlong anak na dalagita ay ngayon pa siya nagkaroon ng mga ganitong project na ang babata ng kanyang leading men.

Kaya hindi mo raw talaga masasabi ang buhay at bilog talaga ang mundo. So, she’s grateful na blessed siya sa career niya ngayon.

Actually, may young guys pala na nagme-message sa kanya na tipong interesado sa kanya. Ang babata raw, kaya sinasabihan niyang parang anak niya na lang ang mga ito.

Kung single siya ngayon, posible kaya siyang ma-attract sa isang lalaki na mas bata sa kanya?

“Sa totoo lang, basta magkasundo… well, just look at Ruffa (Gutierrez) and ‘yung boyfriend niya (Jordan Mouyal). ‘Di ba, malaki rin ang age gap nila? But they are happy.

“Ako, basta swak ang inyong ugali, nagkakaintindihan kayo, may respeto at tanggap ‘yung past mo, wala namang imposible, eh. Sabi nga nila, age is just a number. I believe in that talaga.”

Mas bata ng dalawang taon kay Sunshine ang karelasyon niya ngayon na si Macky Mathay at masaya raw sila nito.

Sa July 16 ang simula ng bagong mor­ning soap ng GMA na ‘Kapag Nahati ang Puso’ bago mag-‘Eat Bulaga’.

Gary ligtas sa kanser

Tila na-preempt ang interview ni Gary Valenciano sa ‘Rated K’ ngayong hapon dahil nasabi na ni Gary sa kanyang tweets na okey na siya at na-clear na siya sa sakit niyang cancer.

Sa teaser ng show ni Korina Sanchez ay ibinalita pa lang ni Gary na nadiskubre ng mga doktor na meron siyang cancer sa kidney.

Ikinagulat ito ng mga taga-showbiz dahil ang alam ng lahat ay sa puso inoperahan si Mr. Pure Ener­gy kamakailan at never nitong nabanggit ang iba pa nitong sakit.

Sa dami ng messages of concern and support sa sikat na singer ay nasabi niya sa isang tweet response niya na walang dapat ipag-alala ang lahat dahil okey na ang lagay niya at wala na siyang Big C.

Natuwa ang lahat sa good news na ‘yon ni Gary, pero patuloy pa rin ang mga dasal na sana nga ay tuluyan na siyang gumaling at malampasan niya ang health problem niyang ito para makabalik na siya sa trabaho.

Batang aktor nasanay sa libre

Bugbog-sarado si Jameson Blake sa social media dahil sa kanyang 4th of July tweet na nagtatanong siya kung may graphic designer na willing siyang igawa ng cover photo/banner (para sa kanyang YouTube o Twitch channel) na ang user name ay Lucid Express.

Ang bilis ng reaksyon ng netizens sa tweet na ‘yon ng Hashtags member at ang sabi sa kanya, dapat ay bayaran niya ‘yung graphic artist at hindi ‘yung shout out lang ang kapalit.

Sagot ni Jameson, basic lang naman ang hinihingi niya at doon lang sa mga willing na tulungan siya.

Katwiran pa ng 21-anyos na Kapamilya actor, hindi naman mind blowing graphic art ang hinihingi niya at para ito sa mga handa siyang igawa kahit walang bayad.

Sandamakmak na mga sarcastic tweet ang natanggap ni Jameson, na dinadaot siya sa panghihingi niya ng libreng graphic art. May mga nagpadala pa ng entry nila na pang-asar lalo sa tisoy na binata.

Hanggang kahapon ay trending pa rin si Jameson sa Twitter dahil sa nasabing isyu kahit burado na ang kanyang kontrobersyal na tweets.

‘Yung iba ay tinanggap agad ang apology ni Jameson, pero may ibang humirit na tila may halong taray pa rin daw ang pagso-sorry nito.

Buwelta ng netizens, dapat ay magsilbing aral ito kay Jameson at sa iba pang celebrity dahil nakakainsulto ang manghingi ng free work.

Anila, okey lang kung may naunang mag-offer ng libre, but you don’t just go around asking for free shit. Nakakahiya raw ito lalo na sa isang ‘artist’ na kagaya ni Jameson.

Pinagtanggol ng isang nakatrabahong Kapamilya director si Jameson at ang sabi nito, he’s a really nice guy at walang masama sa naturang post dahil friendly request lang ‘yon for his fans and followers at hindi naman ito nag-demand.

Meron naman daw kasi talagang fans na willing gumawa ng pabor, na ang kapalit lang ay shout out from their idol.

Pero isang anak ng isang Kapamilya executive ang umalma at ang pangaral nito kay Jameson sa isang social media post, “Nakakairita ‘yung manghihingi ka sa fans ng artwork of a photo banner for your social media platform.

“Galing art school ako at ‘di nag-graduate ang mga ‘yan just for a shout out. You should just hire a professional, rather than asking. Mahal-mahal ng tuition fee, eh!”

Ang hirit ng isang friend namin, ang intensyon kasi ni Jameson ay gamitin ‘yon as profile sa isang bagay na posible niyang pagkakitaan, kaya hindi maganda ang dating.

Tila masyado raw kasing nasanay ang ilang celeb na maraming nagbibigay sa kanila ng kung ano-anong libre kaya parang ayaw na nilang magbayad.

Dayalog pa ng isang nakakakilala kay Jameson, ang totoo ay hindi naman daw ito ganu’n kabait at may pagkaisnabero raw ito in real life.

May isang source pa na nagsabi sa amin na tipong konting kibot lang ni Jameson ay naniningil na ito kaagad, tapos ayun siya at nanghihingi ng libre at pinadaan pa sa social media.