Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunshine mabenta sa mga bagets

0 85

NI: ARCHIE LIAO

Usong-uso na naman ngayon ang tema ng May-December love affairs sa mga teleserye.

Kung ang GMA-7 ay merong Loving Miss Brigette, hindi rin pahuhuli ang Kapamilya network dahil sa Marry Me, Marry You ay may subplot din tungkol sa relasyon ng older woman sa isang bagets.

Ayon kay Sunshine Dizon na gumaganap na older woman, hindi na raw bago sa kanya ang pagganap sa nasabing role na mai-involve sa mas bata sa kanya.

SM food to go Banner Ad

Sa MMFF entry na Rainbow Sunset, naging lover niya si Albie Casino.

This time sa naturang serye ng Dreamscape Entertainment, ang papable namang si Fino Herrera ang kanyang love interest.

Sey ni Sunshine, ang haba raw ng hair niya dahil feeling niya attractive siya sa younger men.

Si Sunshine ay mas matanda rin sa dati niyang mister na si Timothy Tan na meron siyang dalawang anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.