Abante Tonite Interactive

Sunshine maghihiganti na

1,391

tonite-pak-allan-dionesProud momma si Sunshine Cruz sa unang rampa sa Bench fashion show ng panganay nila ni Cesar Montano na si Angelina Isabele Cruz (hindi Montano ang nakalagay na apelyido sa Instagram profile ng bagets).

Benchsetter na rin kasi ang 17-anyos na si Angelina kasama nina Juliana Gomez at Leila Alcasid.

Rumampa rin sa fashion show kamakailan sa Bench Tower ang half brother ni Angelina na si Diego Loyzaga.

Magkatabi pa ng upuan sina Sunshine at Teresa Loyzaga, tapos ay may group pic silang magkakasama after the show na ang sweet ng caption ni Sunshine para kay Diego.

Abala ang working mom na si Sunshine sa Kapuso morning serye na ‘Kapag Nahati ang Puso’ na nagsimula na ang mga tarayan at bangayan nila ng kontrabidang si Bing Loyzaga.

Simula na kasi ng paghihiganti ng karak­ter ni Sunshine na si Rio. Kung maigting ang banggaan nila ni Bing, kilig-kiligan naman ang mga ganap kina Bea Binene at Benjamin Alves na tila nahuhulog na sa isa’t isa.

Inspired ang cast ng Kapag Nahati ang Puso, na napapanood bago mag-‘Eat Bulaga’ dahil nu’ng first week pa lang nila ay tinalo na nila sa ratings ang katapat nilang programa.
***

Kris apat ang linya sa Hollywood movie

Nagreak ang isa naming US-based Pinoy friend (na taga-East Coast naman) sa movie review ng West Coast-based friend namin sa ‘Crazy Rich Asians’ na nilabas namin dito sa TONITE.

Napanood na rin kasi ng aming friend #2 ang nasabing pelikula sa isang advance screening doon at in fairness ay nagustuhan niya raw ito.

“The movie is an over the top glitzy romcom fantasy­ served guilty pleasure. Wala siyang pretense of being high brow, so don’t expect to see one,” bulalas ng kaibigan namin.

“Basta ako, masaya sa movie. The reviews have been generally positive. Huwag masyadong nega, especially when what is more important is to find representation for Asians in mainstream media.

“Winner ang role ni Kris Aquino, in fairness. It befits her stature as a daughter of a national hero and a beloved president.

“She auditioned for the role of one of the aunties. Mas maganda na ‘yung Princess Intan role. Markado naman eh,” sabi pa ng aming friend #2.

Nilinaw din niya ‘yung sinabi ng aming friend #1 na one-liner lang si Kristeta sa pelikula at ilang segundo lang ito sa screen.

Sa bilang niya ay mga apat daw ang linya ni Kris as a Malay princess,­ na da­lawa roon ay off-cam ito ­habang kausap ang bidang si Cons­tance Wu as Rachel Chu

Tanda niya ‘yung linya ni Rachel kay Princess Intan na, “I am such a fan of your work. What you wrote about Economics…” na sinagot ni Princess Intan ng, “A lot of people hated me for writing that piece.”

Dagdag pa ng friend namin,­ may 2 or 3 close-up shots si Kris, so hindi na raw masama.

Aniya, halos lahat ng artista sa ‘Pinas­ ay desperado na mapansin sa Hollywood.

Ultimo like lang sa social media posts nila, halos mamatay na sila sa saya.

Si Kris daw is in a legitimate mainstream Hollywood movie. Given na ‘yung marketing strategy rin ng producer to cast her, but the bottomline is: may relevance siya para sa produ kaya pasok siya sa banga!

“Hindi ako Kris fan, actually. I find her narcissistic. But give props to her,” sambit pa ng aming not-so-crazy-rich Asian friend na taga-East Coast.

O, ayan. At least, balanse ang mga opinyon, ‘di ba? PAK!

Mas mauunang ipalabas ang Crazy Rich Asians sa Amerika sa August 15. Dito sa ‘Pinas at sa iba pang bansa sa Asya ay sa August 22 pa ang showing nito sa mga sinehan.