Abante Tonite Interactive

Sunshine nag-emote sa graduation ni Angelina

866

NI: ROLDAN CASTRO

Proud si Sunshine Cruz sa kanyang anak na si Angelina dahil magtatapos na ito. Nalungkot lang siya dahil apektado ang graduation ng anak sanhi ng enhanced community quarantine.

Mababasa sa kanyang Facebook account:

“It was supposed to be Angelina’s graduation last friday. Though the ceremony hasn’t happened because of the COVID-19 crisis that we’re currently facing, know that I am very much proud of you.

Congratulations Angelina. May kolehiyala na ako! I’m still hoping that after our country gets through this, I would still get to see you march, walk up the stage and receive your diploma. I love you anak!”.

Samantala may mensahe rin si Shine sa kanyang basher.

May kinalaman ito sa nag-comment sa kanyang IG post na nakasuot ng workout clothes kasama ang anak na si Chesca. Gusto kasing mag-share ng mag-ina ng kanilang workout move.

Hirit ng basher, “Walang natulong puro pakitang gilas halatang papansin lamang. Extend your help un ang kailangan ngaun hindi ung puro pa-curve.”

Resbak naman ng aktres, “Lol! I am helping in my own way. Ikaw? Have you done your part? If you are bothered by my posts, then don’t look. Now, if you have done your part, then good.”

May screenshot ang “Love Thy Woman” star sa isyung ito. Naglagay siya ng caption ng “It is essential for everyone to stay healthy now that we are obliged to stay at home. Health and wellness is needed especially at this point in time. I’ve been doing my part. Tumulong at patuloy na tumutulong sa abot ng aking makakaya but I’d rather not post on social media nalang sana. Sa panahong ng crisis, I hope we can lift each other up rather than focusing on negativity. I’m trying to be healthy and trying to influence people and my girls to exercise para hindi lang gadgets ang pinagkakaabalahan kaya wag sana masamain ng iba ang ginagawa ko at pag udyok sa iba na mag-ehersisyo. “

May hashtag pa siyang #goodvibesONLY.

Tonite – Wendys Inhouse Ad