Abante Tonite Interactive

Sunshine nagluluksa sa ‘prinsesa’

292

Bagama’t nailibing na si Mommy Beth, ina ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz, sobrang nagdadalamhati pa rin si Sunshine Cruz.

Bukod kasi sa tita niya ito, kapatid ng daddy niya, ay sobrang close siya rito. Itinuturing niya itong kanyang second mom.

Sa kanyang Facebook post nga ay nagbalik-tanaw si Sunshine. Inalala niya na nu’ng bata pa siya ay madalas siyang nasa bahay ng Tita Beth niya, kapag sumasapit ang summer vacation.

Sabi ni Shine, “When I was young, I’d always look forward to summer vacation dahil sa kanila ako palagi nagbabakasyon for summer. From their house in Magallanes, Valle Verde to Paranaque, Tita Beth and family always opened their home for me. Tita Beth was a second mom to me and my siblings. Nagiisa syang babae na kapatid nila papa kaya sobrang ang closeness namin sa kanya. Mahal na mahal sya ni papa. Prinsesa nila si Tita Beth. She was ‘our sunshine’ sa Cruz clan. Tita Beth’s smile, voice and positivity always lit up even the darkest room. I will forever cherish the beautiful and unforgettable memories I had with you Tita Beth. Rest now Tita. I’m sure you are now singing and dancing with the angels and our Lord Jesus Christ. I will miss you. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka namin.”