Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunshine nagwalwal sa lampungan

0 152

NI: ROLDAN CASTRO
Palaban na ngayon si Sunshine Guimary. Keri na niyang gawin ang mga sexy scene niya.

“Dati, umiinom pa ako, kailangan kong malasing… ganyan. Tapos, parang may mga request ako sa director na kung puwede less tao, less ganito.

“Ngayon, parang medyo nakapag-adjust na ako nang kaunti.Hindi na ako ganoon kabado compared to day one, na kailangan ko pang lasingin ang sarili ko,” pagtatapat niya.

Isa si Sunshine sa maraming proyekto sa Vivamax. Pagkatapos ng pelikula niyang “Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan” with Andrew E,heto’t kasama siya sa ‘House Tour’

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Isa ito sa pinaka-proud ako sa sarili ko , kasi ito talaga ‘yung gusto ko.Sobrang seryosong eksena,” bulalas niya sa Zoom presscon.

Anyway, ang tema ng pelikula ay base sa pinakapatok na house tour vlog ng mga sikat na personalidad. Pero, hindi malayong makatawag ito ng pansin ng mga masasamang-loob.

Ito ang ipapakita ng bagong movie ni direk Roman Perez, Jr. na siya ring direktor ng mga malalakas na pelikulang “Adan” (2018), “The Housemaid” (2021) at “Taya” (2021).

Ang “House Tour” ay isang sexy, heist thriller movie na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Rafa Siguion-Reyna, at Cindy Miranda. Ito ay ekslusibong ipalalabas sa Vivamax simula Oktubre 22, 2021.

Leave A Reply

Your email address will not be published.