Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunshine pinasok ng ‘Akyat-Bahay Gang’

0 101

NI: ROLDAN CASTRO

Isa sa mga pinakapatok na vlog ang pa-house tour ng mga sikat na personalidad.

Pero, hindi malayong makatawag ito ng pansin ng mga masasamang loob.

Ang temang ito nga ang ipapakita ng bagong pelikula ni direk Roman Perez, Jr. na siya ring direktor ng mga malalakas na pelikulang “Adan” (2018), “The Housemaid” (2021) at “Taya” (2021).

Ang “House Tour” ay isang sexy, heist thriller movie na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Rafa Siguion-Reyna, at Cindy Miranda. Ito ay ekslusibong ipalalabas sa Vivamax simula Oktubre 22, 2021.

Ang award-winning actress na si Gabby (Sunshine Guimary) at ang kanyang asawang si Franco (Rafa Siguion-Reyna), na dating manlalaro sa Olympics, ay naninirahan sa isang mala-resort na tahanan.

Mula dito ay matatanaw ang bulkang Taal. Bilang mga sikat na vloggers, pinagbigyan nila ang hiling ng kanilang mga viewers na magpa-house tour.

Ang bawat sulok ng kanilang napakaganda at napakalaking bahay ay makikita sa kanilang digital channel na C Zone. Ayon pa kay Franco, ang mga detalye ng bahay ay mula pa sa iba’t-ibang bansa.

Sa kasamaang palad, isang grupo ng akyat-bahay gang ang nakapanood nito at pinag-aralang mabuti ang pasikut-sikot sa kanilang bonggang bahay.

Nang malaman nila mula sa isang post ni Gabby na wala ito sa bahay ng buong linggo, umaksyon na agad ang leader na si Markus (Mark Anthony Fernandez), kasama ang kanyang kapatid na si Raims (Diego Loyzaga), ang girlfriend ni Raims na si Ely (Cindy Miranda).

Nang mapasok na nila ang bahay ng mag-asawang Franco at Gabby, inangkin nilang parang bahay nila ito. Hindi nila inasahang uuwi si Franco. Hindi maiiwasan ang kanilang pagtatapat. At habang naglalabanan, may mga lihim tungkol sa bawat isa ang maglalabasan.

Ang pagiging “feel at home” ng bawat isa ay mauuwi sa “kill at home”.

Lahat ng bida sa “House Tour” ay hindi na iba sa Vivamax.

Si Cindy Miranda ay bumida sa “Nerisa”. Si Diego Loyzaga ay nagpamangha sa kanyang malawak na emosyon sa “Death of a Girlfriend”. Naging very entertaining ang launching movie ni Sunshine Guimary na “Kaka”.

Bumida rin si Mark Anthony Fernandez sa horror movie na “Biyernes Santo”.

Si Rafa Siguion-Reyna ay gumaganap na itim na dwendeng si Markadan sa seryeng “Puto” na pinapalabas rin sa Vivamax.

Siguradong magiging pasabog ang pagsasama-sama nila sa House Tour.

Leave A Reply

Your email address will not be published.