Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sunshine takot sabunutan ni Vice

0 353

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang sexy star na si Sunshine Guimary na nandoon para ipromote ang kanyang pelikulang Kaka.

Sa nasabing show, natanong si Sunshine

tungkol sa love scenes nila ni Ion Perez na real- life boyfriend ni Vice Ganda.

“‘Yung kay Ion, kamusta ‘yung eksena niyo? Love scene?” tanong ni Ogie.

Umiwas namang sagutin nang deretdahan ni Sunshine ang tanong.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“Wag na. Basta. Abangan niyo,” sey ni Sunshine.

“Bakit ayaw mong pag-usapan ‘yung kay Ion?”, pang-uurot ni Ogie.

“Ayokong masabunutan,” ang natatawang sagot ng Kaka lead actress.

“Papakwento lang naman namin kung anong ganap sa inyo ni Ion doon sa set… Bilang si Levi (karakter ni Ion) at bilang si Kaka (role ni Sunshine,” pangungulit ng talent manager.

“Bitin ako kay Levi. Nagpapabitin din. Charot lang!”, hirit niya.

Dahil sa kanyang sagot, malamang daw ay pagselosan ni Vice si Guimary.

Leave A Reply

Your email address will not be published.