Abante Tonite Interactive

Sunshine vs Ryza, titindi pa!

10

DESPERADO! Baliw-baliwan ang peg ni Angelo (Mike Tan) nang ma­laman na ikakasal muli si Emma (Sunshine ­Dizon) kay Rome ­(Gabby Concepcion) sa Ika-6 Na Utos.

Kaliwa’t kanan ang hate comments ng fans sa teaser ng Kapuso series kung saan tinangkang pagsamantahalan ni Angelo si Emma.

Hibang!

Abante Hiring – IT dep

Syempre, may mga pumuri rin sa akting ni Mike.

Nakakadala raw ang emosyon ni Angelo.

Pano kaya mailalabas ni Rome ang galit kapag nalaman niya na may kahayupang ginawa si Angelo kay Emma?

Maibigay kaya niya ang kapatawarang hinihingi nito?

***

Patuloy ang pamama­yagpag sa afternoon block ng Ika-6 Na Utos.

No wonder, malaking tagumpay ang mall show ng programa sa Kada­yawan Festival.

Mainit na tinanggap ng mga Dabawenyo ­sina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Mike Tan at Gabby Concepcion.

Ang audience, hati sa dalawang side — Team Emma vs Team Georgia!

Team True Love laban sa Team Escabeche!

Kahit kinaiinisan ng viewers ang kanyang karakter sa serye, posi­tibo ang pagtanggap kay Ryza ng mall goers.

Ang bidang si Sunshine, fully supported ng kanyang mga tagahanga na labis na ikinataba ng puso ng Kapuso actress.

Nang lumabas na si Gabby, hindi na magkama­yaw ang mga tao. Lalo pa silang kinilig nang imbita­han ni Gabo ang isang fan sa stage upang maka-duet siya.

Abangan ang mas titindi pang tunggalian nina Emma at Georgia!