Abante Tonite Interactive

Sunud-sunod na kaso kayang-kaya ni Noynoy

By
3

Kumpiyansa si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero na may sapat na kakayahan si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na makipag-face off sa sunud-sunod at patong-patong na kaso ng homicide na inihahain ng mga mahal sa buhay ng SAF44 na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano incident noong Enero, 2015.

“Naniniwala ako na may kakayahan s’yang harapin ‘yan at ipaliwanag ang kanyang panig dahil mula’t mula, sa dulo at hanggang ngayon malinis ang naging intensyon ni Pangulong Aquino sa kanyang paninilbihan sa ating bayan,” ani Escudero ng usisain kahapon ng hapon sa usaping kinasasangkutan ng dating Pangulo.

Kailangan lamang umanong ipaliwanag ng husto nito ang kanyang panig.

“Kung may pagkakamali o pagkukulang man, may sapat din siguro siyang dahilan at marapat siguro ipaliwanag lamang niya ‘yan para mabigyang linaw ang ano mang ibinabato sa kanyang isyu sa ngayon,” pagtatapos ng senador.