Abante Tonite Interactive

Super Cup: Marano, iba pa papalo na

0 145

Gigiyhan ni skipper Aby Maraño ang national team pagsalang sa Philippine Superliga (PSL) Super Cup na sasmbulat mamaya sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Kalaban ng national women’s indoor volleyball squad ang PSL Shine sa alas-singko nang hapon tapos ng opening ceremony kasunod ng alas-siyete nang gabing hamukan ng PSL Sparkle at reigning All-Japan Intercollegiate Volleyball champs University of Tsukaba.

Makikilatis ang tikas ng PH 6 na kagagaling lang sa 12-day training camp sa Japan, bahagi ng kanilang preparasyon ang nasabing event sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games 2019 sa November 30-December 11.

“This event was organized primarily to help the national team prepare for the upcoming Southeast Asian Games,” saad ni PSL president Adrian Laurel. “We know that the SEA Games is not a picnic. That’s why we’re extending whatever help we can to the LVPI to make sure that its goal of emerging with a medal will be achieved.” (BM)