Abante Tonite Interactive

Super feather belt itataya ni Toyogon

259

Sasabak sa isang matinding pagsubok si World Boxing Council (WBC) Asian Boxing Council silver super featherweight champion Al Toyogon sa gagawing pagtaya ng kanyang korona laban kay challenger Ryusei Ishii ng Japan sa D’Flash Ballroom ng Elorde Sports Center sa Sucat, Parañaque sa darating na Enero 26.

Si Toyogon, ang 20-year-old pride ng Gingoog City, Misamis Oriental, ay idedepensa ang kanyang korona na kanyang nasungkit laban sa kapwa Pilipino na si Nathan Bolcio ng Benguet noong Hunyo 10.

Tinawag na “Night of Champions XVI”, ang blockbuster boxing card na itinataguyod ng Elorde International Promotions sa tulong ng PAGCOR at Cignal ay tatampukan din ng 12-round title fight nina Ricardo Sueno at Diomel Diocos para sa vacant WBC ABCO flyweight championship.

“This is another good night of boxing with our very own Toyogon putting his title on the line against a worthy Japanese challenger,” pahaYag ng sikat na boxing promoter na si Gabriel “Bebot” Elorde.

Si Toyogon, mas kilala sa tawag na “The Rock”, ay may tangang ring record na 9 panAlo, kabilang ang 6 na knockouts, laban sa 2 talo at 1 tabla.

Nanalo sa kanyang debut si Toyogon sa pamamagitan ng technical knockout victory laban kay Rex Merceno noong Agosto 2015.