Abante Tonite Interactive

Super health center itatayo sa 6 distrito ng Maynila

380

Magkakaroon ng super health center ang bawat distrito ng Lungsod ng Maynila para sa mga residente nito.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, ipinakita na ni Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ang plano hinggil sa super health center sa ginanap na cluster meeting.

Kabilang sa mga serbisyong libreng ibibigay ng mga super health center sa mga Manilenyo ay konsultasyon, laboratory test, animal bite clinic, at lying-in clinic na may mga nurse at doktor.

Mayroon din itong diabetes clinic, halfway home para sa pasyente na may cancer, cough center (COPD, asthma), autism at cerebral palsy cli­nic, women’s wellness center, adolescent counseling clinic, at klinika rin para sa mga may HIV/AID, at mental health.

Sinabi ni Pangan na lalagyan din ito ng one-stop shop para sa mga transaksyon upang mabawasan ang trabaho sa city hall.(Juliet de Loza-Cudia)