Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Super Suwerte, Boss Emong may rematch

0 95

Mainit na ang balitaktakan sa social media sa rematch nina Super Swerte at Boss Emong.

Nakatakdang magtuos uli ang ang dalawang tigasing pangarerang kabayo sa pista sa 2021 Philippine Charity Sweepstakes Office Silver Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Nobyembre 7.

Tinalo ni Boss Emong si Super Suwerte sa Chairman’s Cup sa Metro Turf, Malvar-Tanauan, Batangas noong Hunyo. Inangkin naman ni Super Swerte ang Commissioner’s Cup nu’ng Mayo.

Pero tiyak na mapapalaban din sina Boss Emong at Super Swerte dahil kasali rin si reigning Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island.

May distansyang 1,750 meter race, ang ibang nagdeklara ng paglahok ay sina Gusto Mucho, King Tiger, Union Bell, Dewey Boulevard, Princess Eowyn, Son Also Rises, Greatwall at Wonderland.

Nakalaan ang P4M guaranteed prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Aurelio ‘Reli’ De Leo. Hahamigin ng mananalong kabayo ang P2.4M. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.