Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Super Swerte rumesbak

0 177

Maiksi kay Pangalusian Island ang 1,600 meter race kaya naman nabawian siya ni Super Swerte Linggo ng hapon sa naganap na Philracom Commissioner’s Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sakay si former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year Jessie Guce, nagwagi si Super Swerte ng may limang kabayong distansya sa nasegundong Pangalusian Island.

Nirehistro ni Super Swerte ang 1:40 sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P1.2M premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

`I’m very happy sa pagkakapanalo ni Super Swerte at sa development ng Philippine horse racing industry na sana magtuloy-tuloy na,’’ saad ni Leonardo ‘Sandy’ Javier, may ari kay Super Swerte. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.