Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Super Tekla nagpakumbaba kay Willie

0 746

NI: ROLDAN CASTRO

Umapir kamakailan si Super Tekla sa Tutok To Win ni Willie Revillame.

Buong ningning siyang tinanggap at pinatawad ni Kuya Will pagkatapos itong magpakumbaba.

Naging tulay nila si Donita Nose na ipinarating ang paghingi ng tulong ni Super Tekla sa butihing TV host para sa operasyon ng kanyang anak (Baby Angelo). Isinilang kasi ito na may anorectal malformation. Matagumpay ang unang unang operation nito pero muli siyang sasailalim sa surgery.

Ipinaliwanag lang ni Kuya Will na hindi niya tinanggal sa show si Tekla. Kusa raw itong umalis. Naging unprofessional dati ang komedyante dahil nawawala umano pag oras ng taping.

Lahad pa ng generous TV host na hindi siya masamang tao dahil hinayaan niya si Super Tekla na i-manage ng GMA Artist Center. Nagpaalam daw muna ang nasabing agency sa kanya bago ito tinanggap. Hindi niya ito hinarang at never sinabing ‘wag tanggapin.

Hindi rin matiis ni Willie si Super Tekla.Nangako siya na tutulong sa operasyon ng anak. Gagawin ang lahat para madugtungan ang buhay ng baby.

Pinababalik din siya sa show pero sa ngayon hindi pa niya kayang magtrabaho dahil sa kalagayan ng anak.

Sa mga gustong tumulong kay Baby Angelo, Maaaring magdeposito sa BDO:Account name: Romeo C. Librada

Account number: 007920062986 na ang bank swift code ay BNORPHMM

Puwede rin sa GCash , Romeo C. Librada, 09771355040.

Leave A Reply

Your email address will not be published.