Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Super Tekla nakabawi sa iskandalo ng partner

0 249

Lumalabas ngang walang basehan ang mga akusasyon laban kay Super Tekla ng dating kinakasamang si Michelle Lhor Bana-ag.

Kaugnay nito ay tinapos na rin ng broadcaster na si Raffy Tulfo ang pagtulong kay Michelle dahil pinagdududahan niyang may itinatago ito matapos nitong umatras sa napagkasunduang drug test.

Dahil din dito, nagsalita pa ang nasabing broadcaster na tutulungan niya si Tekla na makuha ang kustodiya ng kanilang anak.

SM food to go Banner Ad

Magandang balita ito para sa komedyante na lubhang naapektuhan ng kinaharap na isyu.

Hindi rin matatawaran ang suportang ibinigay sa kaniya ng mga kaibigan at iba pang kasamahan sa showbiz.

Marami ring netizens ang sumimpatiya kay Tekla sa kasagsagan ng kaniyang problema. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.