Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Super Tekla rumesbak sa dyowa

0 223

Finally nagsalita na si Super Tekla sa mga akusasyon ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Pinabulaanan niya ang mga sumbong ng kanyang partner sa programa ni Raffy Tulfo.

Sey ng komedyante usapin ng pamilya ‘yun at isang napakasensitibong isyu. Sana raw ay nag-isip si Michelle kung ano raw ang maaapektuhan.

“Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae,” deklara niya sa panayam ng gmanetwork.com.

Lahad pa ni Super Tekla parte ‘yun ng pagsasama nila ni Michelle na ipinaglakait sa kanya. Ginawa umano siyang tanga at timawa sa bagay na ‘yan pero nag-adjust siya dahil nanay siya ng anak niya.

Tinanggi rin niyang ginugutom niya ang mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo yan. Alam n’yo yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic.”

“Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo Michelle. Alam mo yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat,” lahad pa niya sa GMA

Pinabulaaanan din niyang nagbibisyo siya. Willing daw siyang magpa-drug test kahit na anong oras.

Bukas ang panig ng Tonite kay Michelle kung may gusto siyang klaruhin sa mga pahayag ni Super Tekla.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.