Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Super Tekla umalma na yumabang

0 206

NI: ARCHIE LIAO
Pagkatapos magpahayag ng kanyang tampo si Willie Revillame kay Super Tekla kung saan sinabi ng una na kilala lang siya ng komedyante kapag may kailangan, bumandera naman ang huli sa buwelta nito sa isang hindi niya pinangalanang tao.

Obviously, hindi ang Wowowinn host ang kanyang tinutumbok.

Ayon sa kanyang Facebook post, sinabi raw ng taong ito na lumaki raw ang ulo umano si Super Tekla nang magkaroon ng pera.

Pagtatanggol naman ng komedyante, pinagpaguran at pinaghirapan niya ang lahat kaya siya nakaahon sa dati niyang kalagayan.

Sey rin ni Tekla na ang naninira sa kanya ay dismayado dahil umano niya ito pinautang kaya super talak para sirain ang kanyang kredibilidad.

SM food to go Banner Ad

“NAGPERA YUMABANG NA?BAKIT NUNG WALANG WALA AKO ANJAN KA!NAGSUMIKAP AKO AT MAY NAPALA SA PAGSISIKAP KO TAPOS SABIHIN MO MAYABANG NA!HINDI KA LNG PINAUTANG EH NAG FLIPTOP KANA,” emote ni Tekla.

Marami namang tagahanga ang nagtanggol kay Tekla at nagpatotoo sa umano’y tunay na ugali ng komedyante.

Kasama si Donita Nose, ang tambalan nilang Donekla ang isa sa mga top moneymakers sa Youtube.

Dahil din sa katas ng Youtube kaya rin siya nakabili ng sariling house and lot.

Leave A Reply

Your email address will not be published.