Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Superal, Lascuna balik palo

0 28

Inaasahang pangungunahan nina Princess Mary Superal, Pauline del Rosario, Antonio Lascuna Jr. at Ira Alido ang mga kalahok sa dalawang torneo ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. para sa Ladies Philippine Golf Tour at PGT sa March para sa 2021 season.

Pinagtig-isahan ng apat na manlalaro ang mga titulo sa dalawa ring matagumpay paligsahan sa pagbabalik noong isang taon sa kabila na may pandemya.

“As much as we wanted to provide opportunities for our pros, we have to ensure that it will be safe and responsible to resume our tour,” lahad Linggo ni PGTI general manager Colo Ventosa.

Nakatakda ang ICTSI Eagle Ridge Challenge sa Mar. 9-12 habang ang ICTSI Eagle Ridge Championship sa Mar. 23-26 sa Aoki layout at Norman course ng Eagle Ridge Golf and Country Club sa Gen. Trias, Cavite. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.