Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Superal lumapit sa korona

0 72

Umusok si Princess Mary Superal mula sa one-hour delay dahil sa lightning at thunderstorms, sinalpak three birdie sa last seven hole para sa two-under 70 at itarak ang two-stroke lead kay Chihiro Ikeda habang nangapa si erstwhile leader Daniella Uy sa second round ng ICTSI Eagle Ridge Ladies Classic sa Gen. Tias, Cavite Huwebes.

Mainit si Superal sa mahirap na kondisyon mula sa break, hinigitan ang one-over card sa birdies sa Nos. 13, 15 at 17 para makontrol si Ikeda at kumakaway sa finish sa flight na abante na. Nagsalpak ang multi-titled campaigner sa mga matitikas na shot makaraang magmintis sa No. 1 green, nag-par mula three feet para sa 37-33 round.

Kasama ang 72, may 142 na si Superal pa-last 18 holes at maamoy na ang back-to-back title makaraang singitan si Chanelle Avaricio sa Sherwood noong isang linggo. Nasa panglawang puwesto sina Ikeda, Avaricio at amateur Arnie Taguines. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.