Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Superal muling nagreyna

0 82

Sa halip na dikdikang pinale tumawid si Princess Mary Superal sa trouble-free three-stroke victory, ang even par 72 niya’y sapat na para dominahin ang mga karibal sa ICTSI Eagle Ridge Ladies Classic at kumpletuhin ang back-to-back title feat sa Ladies Philippine Golf Tour nitong Biyernes.

Wala ni isang kumasa sa kalmanteng lagay nang mapaghamong Norman course sa Gen. Trias, Cavite, pero kumayod pa rin ang 24-anyos na dalaga makaraang maka-two-shot lead kay Chihiro Ikeda sa weather-delayed second round Huwebes habang nangangapa si Chanelle Avaricio.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsubi si Superal ng 214 total kasama ang 72 at 70 para isa pang P112,500 top purse buhat nang madale rin ang nakaraang linggong ICTSI Sherwood Ladies Challenge. May 70-217 si Avaricio para sa P75K at si Iked’y naka-75-219 katumbas ng P60K. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.