Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Superal nagreyna

0 127

Nagsalpak ng closing 70 si Princess Mary Superal para sa seven-under 209 at five-stroke coast-to-coast win laban sa humabol na matalentong rookie pro na si Abegail Arevalo sa ICTSI Riviera Invitational Challenge sa Couples course sa Silang, Cavite Huwebes ng hapon.

Dumikit sa tatlo ang hinahabol na lang ni Arevalo nang magposte ng birdie sa unang dalawang butas. Pero nagpokus lang ang 23-anyos at tubong katabing Dasmariñas City lang para maka-35-35 upang magtagumpay sa pagbabalik ng 8th Ladies Philippine Golf Tour (LPGT) 2020 na natengga ng Covid-19 sa walong buwan o sapul nitong Marso.

SM food to go Banner Ad

“Despite the result, it was still a tough win,” suma ng multi-titled na si Superal na kumita ng P72K, na nagtagumpay rin noong isang taon sa Camp John Hay at bilang amateur pa lang sa LPGT inaugurals noong 2013. “My game plan was to go under today (final round) and I really needed those two birdies at the front.”

May 70-214 si Arevalo para sa ikalawang puwesto na nagkakalahaga ng P52,000, habang tumersera si Pauline del Rosario sa 73-221 sa 11-player by invitation only golfest. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.